love f****** s*cks!
why's that? love unsaid is love wasted, and yet love said can only be turned down... love unsaid is called infatuation and love said is obsession... argh! i really can't understand it!!!
wait! paano mo malalaman kung kayo na ba o hindi pa?! is there some kind of confirmation on both parties? or basta nalang? i mean, gets niyo? kailangan bang alam ng 2 tao na sila na? o pwede ba sila na hindi sila kahit na mahal nila ang isa't isa?! o pwede ba ang isang tao magkaroon ng kasintahan na hindi niya man lang alam? damn this thing called love!
wait! paano mo nga naman pala malalaman na mahal mo ang isang tao? kasi ako, meron isang tao na sobrang care ako para sa kanya, na gusto ko siya makadama ng kaligayahan lagi dahil na rin sa tuwing nakikita ko siya na malungkot or alam ko na may problema siya, nananakit din ang puso ko... nakadarama rin ako ng matinding kalungkutan... hindi lang yun, itong taong to, napakahalaga sa akin, maya't maya ang dati naming pagsabi sa isa't isa ang gusto naming ipaalam sa isa't isa... walang taguan pero kahit papaano, palihim parin ata... kahit na alam na namin ang sasabihin ng isa't isa... kung kami'y magkasama, kahit na walang sinasabi sa isa't isa ay napapasaya niya na ako... basta't nasa tabi ko siya at masaya siya, masaya na rin ako. kaya niyang paikutin ang mundo ko sa simpleng text niya o sa tuwing makikita ko siya. ano nga ba ito?!
nakakalitong pag-ibig... matamis ngunit maasim... malakas ngunit mahina... masaya ngunit nakakalito... tahimik ngunit magulo...
ano nga ba ang pag-ibig? dapat ba itong ipamahagi sa iba? dapat ba ito ilabas at ipaalam? ipaalam sa buong mundo o sa maspopular na tawag PDA? o ipaalam sa taong minamahal mo lang??? meron bang tao na nabubuhay upang ipaintindi sa akin itong napaka sakim na emosyon na ito?
No comments:
Post a Comment